super saya maging sunday school teacher :)

ano ba nangyare sa kin ngayong araw? ((July 11, 2010)

1. gumising ako ng 6am. 

2. umalis ako sa bahay ng 7:20. akala ko male-late na ko. pero..

3. dumating ako sa church. 7:50 :) yahoooooo!

4. dahil wala pang tao. nag start ang dapat 8am na practice ng 8:30 :)

5. nag vocalize. nagpractice ng anthem (Psalm 139) tapos ung introit. (As the Deer)

6. nag devotion? with Pastor Bong (ewan ko kung devotion nga ba yun. )

7. 9:30. umakyat na kami sa fellowship hall. kanta ng Hymn Singing. (O Word of God Incarnate and In My Heart There Rings A Melody)

8. nagstart ang Morning service.

9. past 11 na natapos. kumaen ng lunch with Chancel Choir. ano ulam? embotido na hindi bilog. square siya. SQUARE! at natawa kaming lahat.

10. dahil birthday ni Jenny Mae Meman (July 12. ((bale tomorrow)) ), may ice cream/ [tradition na sa chancel choir na pag may birthday nagpapa ice cream. (parang di kumakanta di ba. di conscious sa boses.)], bumili siya ng 3 ice cream. TATLO! coffee crumble, double dutch at crunch? basta puro nestle.

11. kaso. bago pa dumating si Jenny, naglabas si ate Ester ng pasalubong niya sa choir. 150 pcs na chocolate. so lahat. di ang attention nasa tskolat. wahaha :)) so nung dumating ung ice cream. deadma sa banga ang chancel. parang wala lang. at first time manyare un. *First time na walang pila sa ice cream. . (pero ako. nag chocolates na. kumaen pa ng ice cream. at take note. lahat ng flavor. natikman ko. so…

12. after kumaen. kailangan mag rehearse ulit. (ako., naka bestida. grabeeeee. biglang sumikip ung damit ko. dahil sa sobrang dami ng nakaen ko. wahahaha :D ) at pinagtawanan nila ako. nahirapan kasi ako kumanta kasi di ako makahinga. wahaha :))

13. after ng rehearsal, bumaba kami para sa Youth Reception. ayun, grand entrance ang chancel. late kasi. kami pa tong magulo at nagkukulitan. agaw eksena talga.

14. nag games. (ang pasaway na chancel. di nakikiparticipate.. eh napansin ni ate shara. so nagparticipate kami. kaso. talo nga lang. wahahaha XD)

15. natapos ang games. naghintay konti kasi magsstart ng 4pm ung Contemporary Service. (this is it. mag sstart na ako mag turo. *okay, mag aassist muna. di ko kasi alam ung lesson. pasawaaaaaay!) 

16. almost 4:30 na nagdatingan ang mga bata. nag color color muna sila. tapos, nung madame na sila. nag start ung worship service ng mga kiddos.

17. after ng service , nag sunday school na. may story telling, tapos lesson with ate angel,. ako? nag aassist ng mga kids. nakakatuwa. tapos tinuturuan ko din sila. (pinakabata kasi 5 yrs old. super kulit pa) di ko lam. san ko nahugot ang patience ko sa mga makukulit na bata. di man lang ako naasar o nainis. 

18. nag merienda na sila. habng hinihintay ung mga nanay nila sa taas. ung iba, naglalaro. may isang bata na panay ang yakap sa kin. (Anna Janine ung name. kapatid ng kaibigan ko) tpos naglaro na kami. sumali ung lahat. abaaaaaaaa. naglaro. HABULAN. Ohmaygoooooooossh. ako. karir na karir talaga. takbo din ako ee. at dahil dun. napagod ako. so nag isip ako kung panu ko mauuto tong mga bata na to na maglaro nang di ako napapagod. may naisip sila. (sila nakaisip ng laro. wala. haggard ako ee. black out utak) naglaro kami ng “Good Morning Ms Minnie/Mickey Mouse”. actually. walng kinalaman ang laro sa kahit anong christian activity. di ko alam kung panu ko na connect sa lesson ni ate Angel. inoobserbahan lang kami ni Ate Shara. (deaconess.) natuwa siya. kasi ako lang daw ung Sunday School Teacher na nakikipag laro sa mga estudyante. tapos na connect pa sa lesson. bongga :))

19. ako na ang haggard. ako na nag pagod. ako na ang walang poise. BUT. i enjoyed. i gained friends. and most importantly, i’m blessed :)

20. 7:30 PM na ako nakauwe. imagine? almost 12 hours akong nasa church. whew. :) sana magtuloy tuloy/ (whew. in Jesus’ name)

:) oo. mhaba. wala kang pake. blog ko to :))

Vertigo Theme by Themelantic