bakit kaya?
nasasanay na ko na di ka nakikita. di ka nararamdaman. eto. may balak ka lumabas tayo bukas. (okay. mamaya. kasi 1:19am na). dati, pag may lakad tayo, di ako makatulog. excited ako. ngayon, di ako makatulog kasi naguguluhan ako sa nararamdaman ko. di ko alam kung hanggang tumblr na lang ba tong nararamdaman ko o sasabihin ko sa iyo. oo mahal kita. pero parang di na tulad ng dati. di na nag naggrow. hanggang dito na lang. di cold. di hot. lukewarm lang. wala namang iba. kung may kinahuhumalingan man ako. mga artista. tulad nung israeli actor. korean actors. si Dennis Trillo. normal girl na nag aadmire ng cute guys. wala lang. hays. bahala na. sana mabago ng lakad natin mamaya ung nararamdaman ko. sana. *cross fingers* kung di man matuloy. (gaya ng laging nangyayari) kung dati, sobrang nag tatampo ako. ngayon, parang ready na ko. kung di man matuloy. eh di okay. at least mapapanood ko ung mga tvseries na sinusubaybayan ko. kung matuloy. eh di masaya. kasama kita. kaso. sinabi mo na agad na saglit lang. (okay. dati naman nag eenjoy ako kahit saglit lang tayo nagkikita) hays. ang gulo. bakit kasi ako nasanay na wala ka. na di ka nararamdaman. di ko na sasabihin to. ako na naman kasi magiging mali. ako naman lagi ee. itutulog ko na lang to. Lord. help me. :“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”(